Biyernes, Oktubre 26, 2012


Hindi ako yung tipo ng babae na tumitili sa mga gwapong lalake sa tv. At lalo namang hindi ako yung babaeng nagpapapicture sakanila kapag nakasalubong kung saan. Ano ba sila?
Wala kasi akong bilib sa mga artista. Sa mga reporter, pwede pa. Mas bilib ako sa mga taong bida sa tunay na buhay. Yung mga taong nakakaranas ng sampal at sabunot na hindi utos ng direktor. Yung mga taong umiiyak nang hindi naglalagay ng vicks sa mata. Mas bilib ako sa mga totoong tao. Hindi ko naman sinasabing joke na tao lang yung mga artista, pero mas bilib ako sa mga taong nakaharap sa realidad at hindi sa camera.